26.9 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Sen Bong Revilla sinuportahan ang confirmation ng ad interim appointment ni Marilyn Bugarin Barua-Yap sa CSC

- Advertisement -
- Advertisement -
SINUPORTAHAN ni Senator Bong Revilla ang confirmationa ng ad interim appointment ni Chairperson Marilyn Bugarin Barua-Yap sa  Civil Service Commission (CSC).
Ayon sa senador, “Ang kanyang husay at malawak na karanasan sa paninilbihan sa bayan ay tiyak na magdadala ng mas mataas na antas ng propesyonalismo at kalibre ng serbisyo-publiko sa mga kawani ng ating gobyerno.
“Masasabi ko bilang chairperson ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, na kailangan natin ang tulad nya na makakatuwang sa CSC—may  sapat na kakayahan at puso sa pagbabalangkas at pagsasakatuparan ng mga makabuluhang polisiya.
“Chairperson Marilyn Barua-Yap, kasama mo kami sa iyong misyon. Hangad naming maisakatuparan mo ang iyong magagandang hangarin para sa mas ikakatatag at ikapagpupunyagi ng ating CSC.
“Lagi’t-lagi: Serbisyo para sa Bayan.
“Congratulations, at mabuhay ka!”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -