BILANG pagtugon sa napakaraming positibong review, nakatakdang pasiglahing muli ng Ballet Manila ang mahika ng “Florante at Laura,” ang iconic na Filipino epic na tula na naging ballet, na may pinakaaabangang restaging, sa pagkakataong ito sa Hyundai Hall, Areté, Ateneo de Manila University, sa Quezon City, mula Nobyembre 22 hanggang 24, 2024.
Kamakailan ay binihag ng produksyon ang mga manonood sa nakamamanghang koreograpia, nakakapukaw na orihinal na musika, at makapigil-hiningang pagsasayaw sa matagumpay na world premiere nito sa Aliw Theater noong nakaraang buwan.
Isang obra maestra sa panitikang Filipino, ang “Florante at Laura,” ay isinulat noong 1838 ng Prinsipe ng mga Makatang Tagalog, si Francisco ‘Balagtas’ Baltasar. Isa itong tulang pasalaysay na nagsasalaysay ng kuwento ni Florante, ang Duke ng Albanya, na binihag ng mga Turko. Ang kanyang pinakamamahal na si Laura ay napilitang pakasalan si Konde Adolfo, ang mang-aagaw. Sa tulong ng mandirigmang si Aladin, nakatakas si Florante, bumalik upang harapin si Adolfo, at naghanap ng katubusan sa muling pagsasama nila ni Laura.
Sa ilalim ng artistikong direksyon ni Lisa Macuja Elizalde, ang Ballet Manila ay bumuo ng isang world-class na creative team upang dalhin ang epikong kuwentong Filipino sa entablado.
“Florante at Laura” is more than just a performance; it is a cultural experience that celebrates the rich literary heritage of the Philippines. Not only does this performance pay tribute to the timeless masterpiece by Francisco ‘Balagtas’ Baltasar, but it also showcases the exceptional talents of the dancers, choreographers, and creative minds behind this production,” paliwanag ni Ballet Manila CEO at artistic director Lisa Macuja Elizalde.
Itatampok sa pagtatanghal ang recording ng orihinal na scoring na nilikha ng kilalang Pambansang Alagad ng Sining Ryan Cayabyab na tinugtog ng mahusay na Orchestra of the Filipino Youth, na conducted ni Maestro Toma Cayabyab. Ang mahusay na kumbinasyong ito ng musika at sayaw ay nakabighani at nagpakilos sa mga manonood at nakalikha ng hindi malilimutang karanasan sa bawat bahagi ng pagtatanghal.
“This full-length composition is one of my legacy pieces. It is my gift to the Filipinos, and I want Ballet Manila to share it with generations to come,” sabi ni Cayabyab.
Kabilang sa mga miyembro ng creative team ng ballet ang mga choreographer na sina Gerardo Francisco Jr. at Martin Lawrance; libretto consultant at ang pangunahing eksperto sa Balagtas, si Dr. Michael Coroza; award-winning na set designer na si Mio Infante; direktor ng ilaw na si John Batalla; at mga costume designer na Make It Happen.
Naka-schedule ang pagtatanghal sa mga sumusunod na petsa: Nobyembre 22, 2024, 6:00 pm; Nobyembre 23, 2024, 7:30 pm at Nobyembre 24, 2024 3:30 pm. Ang mga tiket at available online via Ticketworld; direct link to purchase,https://bit.ly/BMFloranteAtLauraAretéBuyTickets. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Ballet Manila at mga pagtatanghal nito, bisitahin ang www.balletmanila.com.ph.