27.7 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

Mga biktima ng landslide sa Nueva Vizcaya, tatanggap ng tulong sa pamahalaan

- Advertisement -
- Advertisement -
MAGBIBIGAY ng tulong ang mga pamahalaan lokal ng Nueva Vizcaya at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya ng biktima ng landslide sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.
Ayon kay King Webster Balaw-ing, Provincial Disaster Risk Reduction Management officer, nakahanda ang nakahanda ang lokal na pamahalaan na magbigay ng kaukulang tulong sa mga pamilya ng mga biktima ng landslide upang maibsan ang kanilang sitwasyon dahil sa hagupit ng bagyong ‘Pepito’ sa lalawigan.
Sinabi ni Balaw-ing na hinihintay na lamang nila ang endorsement ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Ambaguio sa PLGU upang agarang maihanda nila ang tulong para sa mga landslide victims.
Dagdag pa ni Balaw-ing na ang barangay at municipal local governments sa Ambaguio ay kasalukuyang nagbibigay ng tulong sa mga biktima kasama at ito ay pupunuan ng probinsiya at DSWD.
Sampung katao ang natabunan ng landslide sa bulubunduking komunidad sa Sitio Hukhukyong, Barangay Labang dahil sa pananalasa ng supertyphoon ‘Pepito’ noong gabi ng Nobyembre 17.
Pito dito ang namatay habang tatlo naman ang nakaligtas dahil sa rescue na isinagawa ng mga kawani ng ahensya ng lokal at nasyonal na pamahalaan.
Kasalukuyang natutulog ang mga biktima nang mangyari ang landslide sa lugar. Kinilala ang mga namatay na sina Angel, 18; Balagan, 16 at Maxcel,13 at Janna Faith Calanhi, 8; Oscar, 30; Nico, 14 at Jaymar Tindaan, 12 taong gulang.
Ang mga sugatan naman ay kinilalang sina Celo , 40; Thelma, 40 at Mani Calanhi, apat na taong gulang.
Dahil sa sunod-sunod na bagyo, naging malambot ang mga lupa sa mga kabundukan sa Nueva Vizcaya at ito ang dahilan upang mangyari ang mga landslides na bumara din sa mga daan sa lalawigan. (BME/PIA NVizcaya)
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -