IDINEKLARA ng Commission on Elections (Comelec) kung sino sa 183 na naghain ng kandidatura sa pagkasenador ang mga “nuisance candidate.”
Ayon sa ulat ng The Manila Times, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na inaprubahan ng komisyon ang rekomendasyon ng law division nito na ideklara ang 117 na lumahok sa paghahain ng kandidatura sa pagkasenador nitong nakaraang Oktubre 1 hanggang 8 na mga nuisace candidate.
Nakasaad sa Omnibus Election Code Section 69 kung ano ang nuisance candidate.
Ayon dito, “The Commission may motu proprio or upon a verified petition of an interested party, refuse to give due course to or cancel a certificate of candidacy if it is shown that said certificate has been filed to put the election process in mockery or disrepute or to cause confusion among the voters by the similarity of the names of the registered candidates or by other circumstances or acts which clearly demonstrate that the candidate has no bona fide intention to run for the office for which the certificate of candidacy has been filed and thus prevent a faithful determination of the true will of the electorate.”
Nauna nang sinabi ng Korte Suprema na hindi basehan ang pagiging hindi sikat o kawalan ng partidong politikal para ideklara ang isang indibidwal na ‘nuisance candidate.’
Sa isang hiwalay na ulat ng GMA News Online, pinangalanan nito ang anim na nagsampa ng motion for reconsideration sa Comelec. Kinabibilangan ito nina: Felipe Fernandez Montealto Jr., Orlando Caranto De Guzman, John Rafael Campang Escobar, Roberto Sontosidad Sembrano, Fernando Fabian Diaz, Luther Gascon Meniano, at Alexander Cura Encarnacion.
Pwedeng umapela ang ‘nuisance candidate’
Ayon kay Garcia, maaari pa namang iapela ng mga aspiranteng idineklarang ‘nuisance candidate’ ang kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng pagsasampa ng motion for reconsideration sa Comelec en banc o maghain ng restraining order sa Korte Suprema.
Sa 117 na idineklarang nuisance candidates, anim na rito ang nagsampa ng motion for reconsideration sa Comelec en banc.
May kabuuang 183 ang lahat ng nagsumite ng kanilang aplikasyon para tumakbong senador ngunit 66 lamang sa mga ito ang idineklarang lehitimo ng law division ng Comelec.
Narito ang listahan ng mga inaprubahang kandidato ng Comelec, ayon sa ulat ng GMA News Online:
- Abalos, Benjamin Jr. De Castro – Partido Federal ng Pilipinas
- Adonis, Ronaldo Mangampo – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Amad, Wilson Caritero – Independent
- Andamo, Jocelyn Santos – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Aquino, Paolo Benigno Aguirre – Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino
- Arambulo, Ronnel Gondraneos – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Arellano, Ernesto Rillera – Kamalayang Kayumanggi (Katipunan)
- Ballon, Roberto Amido – Independent
- Binay, Mar-Len Abigail Sombillo – Nationalist People’s Coalition
- Bondoc, James Patrick Romero – PDP-Laban
- Bong Revilla, Ramon Jr. Bautista – Lakas-CMD
- Bosita, Bonifacio Laqui – Independent
- Brosas, Arlene Duran – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Cabonegro, Roy Jerusalem – Democratic Party of the Philippines
- Capuyan, Allen Arat – Partido Pilipino sa Pagbabago
- Casino, Teodoro Acevedo – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Castro, Francisca Lustina – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Cayetano, Pilar Juliana Schramm – Nacionalista Party
- De Alban, Angelo Castro – Independent
- D’ Angelo, David Delano – Bunyog Pagkakaisa Party
- De Guzman, Leodegario Quitain – Partido Lakas ng Masa
- Dela Rosa, Ronald Marapon – PDP-Laban
- Doringo, Eufemia Pet – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Escobal, Arnel Bondilles – Partido Maharlika
- Espiritu, Renecio Jr. Santos – Partido Lakas ng Masa
- Floranda, Modesto Toque – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Gamboa, Marc Louie Santos – Independent
- Go, Christopher Lawrence Tesoro – PDP-Laban
- Gonzales, Norberto Borja – Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas
- Hinlo, Jesus Jr. Villanueva – PDP-Laban
- Honasan, Gregorio Ballesteros – Reform PH-People’s Party
- Jose, Relly Jr. Nufable – Kilusang Bagong Lipunan
- Lacson, Panfilo Morena – Independent
- Lambino, Raul Loyola – PDP-Laban
- Lapid, Manuel Mercado – Nationalist People’s Coalition
- Lee, Wilbert Te – Aksyon Demokratiko
- Lidasan, Amirah Ali – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Marcoleta, Rodante Dizon – Independent
- Marcos, Maria Imelda Romualdez – Nacionalista Party
- Marquez, Norman Cordero – Independent
- Martinez, Eric Morales – Independent
- Mata, Richard Tesoro – Independent
- Matula, Jose Sonny Gito – Workers’ and Peasants’ Party (WPP)
- Maza, Liza Largoza – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Mendoza, Heidi Lloce – Independent
- Montemayor, Jose Jr. Cabrera – Partido Pederal ng Maharlika
- Olivar, Jose Jessie Dela Calsada – Indpendent
- Ong, Willie Tan – Aksyon Demokratiko
- Pacquiao, Emmanuel Dapidran – Partido Federal ng Pilipinas
- Pangilinan, Francis Pancratius Nepomuceno – Liberal Party of the Philippines
- Querubin, Ariel Porfirio Oliva – Nacionalista Party
- Quiboloy, Apollo Carreon – WPP
- Ramos, Danilo Hernandez – Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
- Revillame, Wilfredo Buendia – Independent
- Rodriguez, Victor Dayrit – Independent
- Sahidulla, Nur-Ana Indanan – Independent
- Salvador, Phillip Reyes – PDP-Laban
- Singson, Luis Crisologo – Independent
- Sotto, Vicente III Castelo – Nationalist People’s Coalition
- Tapado, Michael Balais – Partido Maharlika
- Tolentino, Francis Ng – Partido Federal ng Pilipinas
- Tulfo, Bienvenido Teshiba – Independent
- Tulfo, Erwin Teshiba – Lakas-CMD
- Valbuena, Mario Jr. Soliven – Independent
- Verceles, Leandro Buencosenjo – Independent
- Villar, Camille Aguilar – Nacionalista Party