31.7 C
Manila
Martes, Nobyembre 19, 2024

Mga produktong gawa sa niyog, tampok sa CocoLakal trade fair sa Batangas

- Advertisement -
- Advertisement -

IBA’T IBANG produktong gawa sa niyog ang itinampok ng Department of Trade and industry (DTI) at Philippine Coconut Authority (PCA) sa CocoLakal Trade Fair na binuksan nito sa Lipa City, Batangas.

Kabilang sa mga coconut products na mabibili sa trade fair ay mga pagkain tulad ng pastries, chips, ice cream, at candies.

Mabibili din sa cocolakal trade fair ang iba pang mga coconut by-products gaya ng damit, bag, accessories, at marami pang iba na ibinebenta ng nasa 20 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa lalawigan.

Para sa mga kalahok na MSMEs, malaking tulong ang mga ganitong trade fairs kung saan nabibigyan sila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang mga produkto.

Katuwang ng DTI sa pag-organisa ng naturang trade fair ang PCA na siyang nangangasiwa upang palakasin ang industriya ng pagniniyog.

Ayon sa PCA, patuloy ang kanilang pagsusumikap na mas maitaas ang produksyon ng niyog upang mas marami pang coconut products ang kanilang maitampok sa mga susunod na trade fairs.

Nagbigay din ang DTI ng business counseling seminar at iba pang kaalaman para sa mga kalahok na entrepreneurs.

Bukod sa kaalaman, malaking tulong ang trade fair sa mga MSMEs upang mas lalong makilala ang kanilang mga lokal na produkto.

Sa panayam kay Ivy Marquez, may-ari ng Sweety Pies at isang MSME mula sa bayan ng Balayan, sinabi nito na napakalaking tulong ng DTI sa kanilang negosyo dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang produkto. (BPDC-PIA Batangas)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -