NAGLABAS ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-VIII (Eastern Visayas Region) motu proprio ng Wage Order No. RB VIII-24 noong Nobyembre 5, 2024, na nagbibigay ng P30 pagtaas sa arawang minimum na sahod sa lahat ng sektor. Magiging P405 hanggang P435 ang arawang minimum na sahod sa iba’t ibang sektor/industriya sa ganap na pagpapatupad ng lahat ng tranches.
Sektor/Industriya | Minimum na Sahod sa ilalim ng Wage Order No. RB VIII-23 | Dagdag na Sahod (Kapag epektibo na) | Bagong Minimum na Sahod
|
Dagdag na Sahod(2nd Tranche: 1 Hunyo 2025) | Bagong Minimum na Sahod (Kapag epektibo na) |
Non-Agriculture | ₱405.00 | ₱15.00 | ₱420.00
|
₱15.00 | ₱435.00 |
Service/Retail Establishments na may 11 manggagawa at higit pa | |||||
Service/Retail Establishments na may 10 manggagawa o mas mababa pa | ₱375.00 | ₱390.00 | ₱405.00
|
||
Cottage and Handicraft | |||||
Agriculture |
Inaprubahan din ng Regional Board ang P500 buwanang dagdag para sa mga kasambahay sa lahat ng lugar sa rehiyon kung saan ang buwanang minimum na sahod ng sektor sa hanay na P5,500 hanggang P6,000:
Lugar/Lokasyon |
Buwanang Minimum na Sahod sa ilalim ngWage Order RB VIII-DW-04 | Halaga ng Buwanang Pagtaas | Bagong Buwanang Minimum na Sahod |
Chartered Cities and First-Class Municipalities | ₱5,500.00 | ₱500.00 | ₱6,000.00 |
Other Municipalities | ₱5,000.00 | ₱500.00 | ₱5,500.00 |
Pinagtibay ang parehong wage order ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Nobyembre 13, 2024. Ipinalathala ang mga ito noong Nobyembre 16, 2024 at magkakabisa sa Disyembre 2, 2024.
Isinaalang-alang ng mga pagtaas ng sahod ang mga pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya, kapasidad sa pagbabayad ng mga employer/industriya, at ang mga kinakailangan para sa ekonomiya at panlipunang pag-unlad ng rehiyon na itinatadhana sa ilalim ng Republic Act No. 6727 o ang Wage Rationalization Act. Nagsagawa ang Regional Board, na binubuo ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, namumuhunan, at sektor ng mga manggagawa, ng mga konsultasyon at pampublikong pagdinig sa rehiyon bilang bahagi ng proseso ng pagtukoy sa minimum na sahod.
Ang bagong minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ay mangangahulugan ng 7% pagtaas mula sa umiiral na arawang minimum na sahod sa rehiyon at magreresulta ng 10% pagtaas sa mga benepisyong nauugnay sa sahod na sumasaklaw sa 13th-month pay, service incentive leave (SIL), at social security benefits tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.
Inaasahan na direktang makikinabang sa bagong wage order ang 126,095 manggagawa na tumatanggap ng minimum na sahod at humigit-kumulang 175,639 full-time wage and salary worker ang maaari ding makinabang dahil sa pataas na pagsasaayos ng sahod bunga ng wage distortion. Sa kabilang banda, inaasahan na ang kabuuang 57,080 kasambahay, kung saan humigit-kumulang 18% (10,302) sa kanila ay nasa live-in arrangement, ang makikinabang sa pagtaas ng sahod ng mga kasambahay.
Gaya ng anumang wage order, at tulad ng itinakda ng NWPC Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, ang mga retail/service establishment na may regular na empleyado na hindi hihigit sa sampu, at mga negosyong naapektuhan ng natural na kalamidad ay maaaring mag-apply ng exemption mula sa pagtaas ng sahod sa RTWPB. Alinsunod sa Republic Act No. 9178 [2002], hindi saklaw ng batas sa minimum na sahod ang mga rehistradong Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs)
Parehong inilabas ang huling wage order para sa mga manggagawa sa pribadong kompanya at mga kasambahay sa nasabing rehiyon noong 6 Nobyembre 2023 at naging epektibo noong 30 Nobyembre 2023. Kailangang magsagawa ang RTWPB VIII ng information campaign upang tiyakin ang pagsunod sa bagong minimum na sahod at magbigay ng kinakailangang tulong sa mga negosyo sa pagwawasto ng wage distortion. Para sa aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw sa wage order, maaaring makipag-ugnayan sa RTWPB sa pamamagitan ng email: [email protected].
Kasalukuyang nasa iba’t ibang yugto ng proseso sa pagtukoy ng minimum na sahod ang RTWPBs CAR, IVB, at IX. Sisimulan naman ng RTWPBs X at XIII ang pagtukoy ng minimum na sahod ngayong Nobyembre 2024 at RTWPB XI sa Enero 2025. Samantala, nagpasya ang RTWPB-V na ipagpaliban muna ang proseso ng pagtukoy sa sahod sa rehiyon dahil sa epekto ng Super Typhoon Kristine, kasunod ng kahanga-hangang rekomendasyon mula sa mga kinatawan ng manggagawa. Binibigyang-diin ng kurso ng aksyon na ito mula sa Lupon ang pangangailangan na mapanatili ang parehong trabaho at negosyo upang muling makabawi ang nasabing rehiyon. Mananatili ang bisa ng pagpapaliban hanggang sa matapos ang isang naaangkop na panahon ng pagbawi ng ekonomiya. Dapat na mahigpit na subaybayan ng Lupon, sa susunod na tatlong buwan ang kalagayang pang-ekonomiya sa rehiyon.