31.9 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

Mga bulkan sa Pilipinas, biyaya o sumpa?

- Advertisement -
- Advertisement -

TATLO sa 56 bulkan sa Pilipinas ay kasalukuyang mino-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa mga kakaiba nitong mga paggalaw.

Isa sa mga ipinagmamalaking bulkan sa Pilipinas ay ang Bulkang Mayon na matatagpuan sa Albay. Kilala ito dahil sa taglay nitong halos perpektong hugis apa. Dinarayo ito hindi lamang ng mga dayuhan maging ng mga Pilipino rin.

Bagamat sinasabing pinaka-aktibong bulkan ito sa Pilipinas dahil sa dalas ng pagsabog nito, isa rin etong biyaya sa mga naninirahan sa lugar na ito. Ang mga umaagos na lupa at abo sanhi ng pagsabog nito ay nagsisilbing pataba ng lupa pagkalipas ng ilang taon. Sa katunayan, itinuturing ang Albay na isa sa mga rehiyon na may mayamang lupang sakahan na pinanggagalingan ng mga produktong abaka, niyog, palay at gulay.

Sa ngayon ay kasalukuyan itong itinuturing na banta dahil sa posibleng pagsabog nito sa mga darating na araw, ayon sa Phivolcs. (Basahin ang mga detalye nito sa https://www.manilatimes.net)

Isa din sa pamosong bulkan ang Bulkang Taal sa Batangas. Kilala din ito bilang Pulong Bulkan dahil nasa Lawa ng Taal. Ito ang pinakamaliit na bulkan sa buong mundo na mayroong taas na 984 na mga talampakan o mga 300 metro at may maliit na bunganga o crater na pinangalanang Lawang Dilaw. Sumabog ang bulkan ng 25 ulit na mula 1754 at noong Enero 12, 2020. Pangalawa ito sa pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas pero itinuturing na pinakamagandang aktibong bulkan sa buong mundo kung kaya’t dinarayo. Ayon sa Phivolcs, isang moderate 900-meter high plume ang naitalang inilabas nito sa nakaraang 24 na oras kahapon ng 5:00 ng umaga. Naitala din na nagkaroon ito ng apat na lindol noong Linggo ng umaga.


Ang ikatlong bulkan na patuloy na inoobserbahan ng Phivolcs ay ang Bulkang Kanlaon na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Kasalukuyan itong nasa Alert Level 1 dahil kamakailan ay nagluwa ito ng 1,089 tonelada ng asupre at katamtamang pagsingaw na napadpad sa hilagang silangan. Nakitaan din ito ng pamamaga ang bunganga nito kaya patuloy na ipinagbabawal ngayon ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone sa paligid ng Bulkang Kanlaon.

Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, na tinatayang 30 km sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera ng Negros Occidental.Paborito itong lugar ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Mt. Kanlaon Natural Park, isang pambansang liwasan na inilunsad noong Agosto 9, 1934. Isa ito sa masisiglang mga bulkan ng Pilipinas.

Singsing ng apoy ng Pasipiko

Bakit nga ba maraming bulkan sa Pilipinas? Ayon sa https://www.britannica.com/place/Ring-of-Fire, maraming bulkan sa Pilipinas dahil ang bansa ay nakatungtong sa tinatawag ba Pacific Ring of Fire na kung saan lagging may lindol at maraming aktibong bulkan na maaaring pumutok ng hindi inaasahan. Ang mga bansang Japan at Indonesia ay nakatungtong din dito kasama ng iba pang mga bansa.

- Advertisement -

Sa 56 na mga bulkan ng Pilipinas, 18 dito ay buhay at masigla.

Ano ang mga dahilan ng pagputok ng bulkan?

Ayon sa https://www.britannica.com/story/what-causes-a-volcano-to-erupt, hindi nakikita ng mata ng tao ang magma na naiipon sa loon ng bulkan. Tulad ng mapangwasak na apoy, tinutunaw nito ang mga bato sa paligid. Kapag sapat na ang magma, nagsisimula itong maghanap ng ruta ng pagtakas at magsisimulang lumipat patungo sa ibabaw.

Kapag ang magma ay tumaas sa pinakamataas na rehiyon ng bulkan, sinisira ang bato at lumilikha ng sobrang pressure na nagpapa-deform sa lupa. Ang mga natunaw na gas sa magma ay inilalabas dahil sa mga bitak sa bato. Kabilang dito ang water vapor (H2O), carbon dioxide (CO2), sulfur dioxide (SO2), at hydrochloric acid (HCI).

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -