33 C
Manila
Lunes, Nobyembre 18, 2024

Pinakahuling ulat sa bagyong Pepito

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBABALA ang Presidential Communications Office (PCO) na nakataas ang yellow warning, na dala ay heavy to intense rainfall o 100 mm hanggang 200 mm na tubig ulan, sa silangang bahagi ng Cagayan at Isabela, at sa Benguet.

Inaasahan naman ang moderate to heavy rains sa natitirang bahagi ng Cagayan at Isabela, pati na rin sa Mountain Province, Kalinga, Apayao, Abra, Aurora, Quirino, Ifugao, Nueva Vizcaya, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Maaari itong tumagal mula 2 hanggang 3 oras, at makakaapekto sa mga karatig lugar.

Mga larawan mula sa Presidential Communications Office

Iniulat din ng PCO na sa ulat ng Pagasa, bandang 5:00 am nakataas ang Signal no. 3 na may “moderate to significant threat to life and property” sa hilaga at kanlurang bahagi ng Ilocos Sur, hilagang kanlurang bahagi ng La Union, at kanlurang bahagi ng Abra. Signal no. 1 at 2 sa iba pang bahagi ng Luzon.

Pinapayuhan pa rin ang lahat na mag-ingat at maging mapagmatyag sa epekto ng bagyo.

Halaw sa ulat ng Presidential Communications Office

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -