26.8 C
Manila
Lunes, Nobyembre 18, 2024

1.2M lumikas habang nananalasa si ‘Pepito’ sa Luzon pero bumaba ang lebel nito nang huli itong mamataan sa Nueva Vizcaya

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMABA sa Typhoon category ang bagyong Pepito nang huli itong mamataan sa Nueva Vizcaya, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) bandang alas otso ng gabi ng Linggo.

Larawan mula sa Presidential Communications Office

Nasa Signal no. 4 o maaaring magdulot ng “significant to severe threat to life and property” ang hanging dala ng bagyo sa gitnang bahagi ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, katimugang bahagi ng Benguet, Ifugao at Ilocos Sur, La Union, hilaga at silangang bahagi ng Pangasinan, at hilagang bahagi ng Nueva Ecija.

Pinaalalahanan ang publiko at disaster risk reduction and management offices na manatiling alerto sa mga posibleng epekto ng bagyo.

Nauna rito, hinampas ng super bagyong Pepito ang Luzon nitong Linggo, Nobyembre 17, kung saan nagbabala ang national weather agency sa publiko na maghanda sa pagbaha, pagguho ng lupa at malalaking alon.

Ang bagyong Pepito, na may international code-name na Man-yi, ay nagtataglay ng maximum sustained winds na 185 kilometers kada oras matapos itong mag-landfall noong Sabado, Nobyembre 16, sa isla ng Catanduanes.


Mahigit 1.2 milyong katao  ang lumikas mula sa kanilang tahahan bago dumating ang bagyong Pepito nang magbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ng “banta sa buhay” na epekto ng malakas na bagyo, na maaaring masundan ng hindi pangkaraniwang marahas na panahon.

Binunot ng bagyo ang mga puno, pinabagsak ang mga linya ng kuryente at winasak ang mga bahay matapos tamaan ang Catanduanes.

Nagkaroon ng malawak na pinsala sa mga istruktura sa Catanduanes, ayon sa hepe ng Office of Civil Defense na si Ariel Nepomuceno.

Nag-landfall si Pepito malapit sa Dipaculao, Aurora, alas-3:20 ng hapon, Linggo.

- Advertisement -

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Linggo na 514,576 na indibidwal sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), Eastern Visayas at Cordillera Administrative Region — ang inilikas bago ang Pepito.

Sinabi ng NDRRMC na ginulo ng bagyo ang buhay sa 19 na probinsya, 211 lungsod/munisipyo, at 2,152 barangay.

Ayon sa ahensya, nasa na 111,000 katao ang dinala sa 566 na evacuation centers.

Hindi bababa sa 54 na kalsada, tulay, at pampublikong pasilidad ang nasira ng bagyo, at ang inisyal na pagtatantya ng pinsala ay P469.85 milyon.

Labing-isang lungsod at bayan ang isinailalim sa state of calamity.

Sa Cagayan, 12 bahay at isang kapilya ang nawasak nang tumama ang buhawi sa Santa Cruz at Bagu sa bayan ng Pamplona noong Linggo sa kasagsagan ng bagyo.

- Advertisement -

Ang kaparehong buhawi ay nagpatumba sa mga bahay sa Macanaya at Aparri,

Naputol ang kuryente sa 75 munisipalidad ngunit naibalik sa 72 porsiyento ng mga apektadong lugar. Labimpitong munisipalidad ang patuloy na nakaranas ng mga problema sa komunikasyon dahil sa mga down na linya.

Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kinansela ng flag carrier Philippine Airlines (PAL) ang 67 domestic at 18 international flights para sa Nob. 17 at 18.

Ang Cebu Pacific ay nag-grounded ng walong domestic flights.

Halaw sa ulat ng Presidential Communications Office at ng The Manila Times

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -