29 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

Mga inilikas dahil sa bagyong Marce, agad na inabutan ng tulong ng pamahalaan sa Cagayan

- Advertisement -
- Advertisement -

TULOY-TULOY ang buhos ng malalakas na ulan at hangin sa malaking bahagi ng Cagayan. Kaya naman puspusan ang naging paglilikas sa mga mamamayang nakatira sa mga alanganing lugar. 

Ang lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno ay agad nagpaabot ng tulong sa mga nasa loob ng evacuation center. 

Dahil din sa sunod-sunod ang pagkakaroon ng bagyo sa Cagayan Valley ay may mga nagrequest na ng karagdagang mga relief goods sa DSWD para sa mga apektado ng bagyo Marce. 

“Meron na ring nagrequest coming from the municipality of Aparri, Pamplona, Camalaniugan at inaasahan ang iba pang mga municipality na magrerequest ng additional family foods packs dahil nagkaroon ng preemptive evacuation,” pahayag ni DSWD Regional Director Lucia Alan. 

Ayon sa DSWD, sapat ang mga family food packs na maipapamahgi sa mga maaapektuhan ng bagyo. Mayroon ding mga sleeping kits, tents, hygiene kits at iba pang non food items na nakahanda. 

Agad ding nagdeploy ng rescue teams at rescue assets ang Cagayan Valley DRRMC katuwang ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno kabilang na ang PNP, AFP, Coast Guard, Navy at mga local DRRMCs. 

Sa Santa Ana kung saan mas malapit ang mata ng bagyo ay nagtulong-tulong ang mga mangingisda para i-ahon sa ligtas na lugar ang kanilang bangka. 

Ang mga opisyal ng Lungsod ng Tuguegarao naman ay nag ikot ikot sa mga barangay na nasa mga alanganing lugar upang siguruhing naka likas na ang mga madalas mabaha. 

“Please evacuate and keep safe dahil hindi lang po buhay niyo ang mahalaga kundi pati rin ang ating mga rescuer, ayaw naman natin na mapasubo sila,” panawagan ni Mayor Ting.

Siniguro rin ng DSWD na handa ang rehiyon dos na tumulong sa mga mamamayan sa kalapit na rehiyon kung sakaling kailangan ang tulong ng mga ito sa pamamahagi ng relief packs. (OTB/PIA Region 2) 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -