27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Imee: Dasurv ng ating magsasaka ang tulong ngayong Nat’l Rice Awareness

- Advertisement -
- Advertisement -

“NATIONAL Rice Awareness nga, pero halos walang aanihing palay kahit lahat ay aware. Gamitin ang panahong ito para sa mga hakbang tulad ng pag-aayos ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBA) at mga listahan ng karapat-dapat na benepisyaryo ng tulong sa bigas. Dapat makipagtulungan ang mga LGU para matiyak na ang mga nakalista ay tunay na nagtatanim ng palay,” sabi ni Senadora Imee Marcos.

Ani pa ng senadora, “Sulitin natin ang panahon para sa desilting o paglilinis ng mga bukirin, kanal, at imbakan ng tubig. Mahalaga ito para mapabuti ang daloy ng tubig na makatutulong sa 2nd cropping.”

“Nananawagan ako sa Department of Agriculture na maglunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga magsasaka, tulad ng pagtatanim ng mabilis anihing pananim gaya ng Chinese kangkong at kamote, at pamimigay ng kambing, biik, pato, at manok bilang dagdag na kabuhayan ng mga nasalantang magsasaka,” dagdag ni Sen. Marcos.

Ngayong National Rice Awareness Month, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng mga magsasaka: “‘Wag nating hayaang magutom ang mga magsasakang nagpapakain sa ‘tin. Dasurv nila ang ating suporta at pagmamahal.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -