28.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

PCUP at DoLE Region IV-A palalakasin ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Batangas

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIPAG-USAP ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) nitong Martes sa Department of Labor and Employment (DoLE) Regional District IV-A sa Calabarzon sa pagsisikap na mapalakas ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Lian, Batangas.

Sa direktiba ni PCUP Chairperson Meynardo Sabili, nakipagpulong si Commissioner Reynaldo Galupo kay DoLE Regional Director Atty Roy Buenafe at tinalakay ang pagpapalakas ng suporta sa Samahang Damayan sa Matabungkay Multipurpose Cooperative (SDMMC) sa Barangay Matabungkay.

Nauna rito, nagsagawa ng round table discussion sina Galupo at ang kanyang mga tauhan sa pangunguna nina Jaigie Kimuell, Dianne Santos at hepe ng PCUP Livelihood Rose Makimkim, kasama ang mga opisyal at miyembro ng SDMMC matapos humiling ang grupo na pagandahin ang kanilang kabuhayan, na karamihan ay batay sa mga aktibidad sa pangingisda kahit na ang lugar ay itinuturing ding tourist spot.

Sinabi ni Galupo na bago ang kanyang pagpupulong sa grupo, nakipag-usap na siya sa mga opisyal ng isang partikular na government owned and controlled corporation, na nangako na magbibigay ng mga bangka sa komunidad bilang bahagi ng livelihood enhancement program nito.

Ibinalangkas din ng opisyal ng PCUP ang pangangailangang palawakin ang mga mapagkukunan para sa kooperatiba na unang pinondohan ng DoLE, na tinitiyak na ang mga pagsisikap na ito ay magiging sustainable source of income para sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Ang SDMMC na may bilang na halos isandaang pamilya ay sumasakop sa ilang lupain na iniulat na pag aari ng Department of Tourism sa Barangay Matabungkay.

Ayon kay Buenafe, malugod niyang ikinatuwa ang pagsisikap ng PCUP na matugunan ang mga pangangailangan ng grupo at binigyang diin ang dedikasyon ng dalawang ahensya sa pagbibigay ng sustainable economic opportunities para sa mga underserved communities.

Aniya, makikipag ugnayan ang mga kinatawan ng DoLE sa SDMMC sa sandaling matapos ang mga dokumento ng dalawang ahensya sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -