31.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

DSWD-Calabarzon field office nakiramay sa mga pamilya ng nasawi sa pananalasa ni Kristine

- Advertisement -
- Advertisement -

SINIMULAN na ng mga social workers mula sa DSWD Field Office (FO) Calabarzon ang pagbibigay ng psychosocial services gayundin ng tulong pinansyal para sa pamilya ng mga nasawing biktima ng pananalasa ng bagyong Kristine.

 

 

Nakapagtala ang FO-Calabarzon ng 24 katao na pawang nasawi habang 23 naman ang nawawala pa.

“We are aware of the mental stress caused by the onslaught of STS Kristine, especially to families and individuals who lost their loved ones. Our social workers are ready to provide them with counseling and psychosocial sessions to help them cope with their traumatic experiences. We also condole with the families and offer our prayers to them,” sabi ni DSWD-Calabarzon Regional Director Barry Chua.

Nitong Sabado ( October 26 ) sinimulan ng mga social workers mula sa DSWD Calabarzon regional office ang counseling at psychosocial aid sa mga naulilang pamilya ng pitong nasawi mula sa Talisay, Batangas.

Bukod sa psychosocial services, nagpaabot din ang FO-4A ng P200,000 bilang financial assistance sa mga pamilya.

Sa mga nasawi, 19 ang mula sa lalawigan ng Batangas, tatlo mula Laguna at isa sa Cavite, Rizal at Quezon., habang ang ilan naman ay nasawi sa pagkalunod, nabagsakan ng puno o debris at ang iba ay nakuryente.

Patuloy ang koordinasyon ng feld office sa mga pamilya at local government units (LGUs) para sa pagbibigay pa ng iba pang tulong suporta na kailangan upang maibsan ang pinsalang dulot ng kalamidad.

Samantala, taus pusong pakikiramay ang hatid ng DSWD Field Office 5 – Bicol Region sa mga kaanak ng mga nasawi sa pagguho ng lupa sa bayan ng Caramoran sa Catanduanes.

Ang apat na biktima ay magkakapatid at magpipinsan. Sila ay pawang nalibing ng buhay makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Agad namang nagbigay ng tulong ang DSWD FO-5, sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program kung saan nabigyan ang mga naiwang pamilya ng tig P10,000 bilang financial aid bukod pa sa psychosocial support.

Nakikipag-ugnayan na din ang DSWD Bicol regional office para sa Funeral Assistance para sa pagpapalibing ng mga nasawi. (DSWD)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -