LUMAGDA sa isang Memorandum of Agreement (MoA) sina Philippine Sports Commission (PCS) Chairman Richard Bachmann at Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron para sa pagsasagawa ng Batang Pinoy sa lungsod.
Naganap ang paglagda nito lamang Oktubre 24 sa City Hall, kung saan ito ang hudyat ng pagiging punong abala ng lungsod sa gaganaping Batang Pinoy sa Nobyembre 23 hanggang Nobyembre 28, 2024.
Sa paliwanag ni Bachmann, ang Batang Pinoy ay magtatampok ng 30 iba’t ibang laro, kung saan nasa 11,600 atleta na mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa bansa ang kumpirmadong lalahok.
Ipinaliwanag din ni Bachmann na ang pangunahing layunin ng Batang Pinoy ay para sa National Sports Association (NSA) na makapag-scout ng mga atleta na posibleng isama sa pambansang koponan ayon sa kani-kanilang langaran.