SA pagdiriwang ng Global Media and Information Literacy Week, nakikiisa ang #MagingMapanuri sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahang digital sa mga hamon ng makabagong mundo. Sama-sama nating tuklasin ang mga oportunidad at panganib ng teknolohiya upang maitaguyod ang makabuluhan, kapaki-pakinabang, at responsableng impormasyon para sa lahat.