AGAD na rumesponde sa mga evacuation centers ang mga kinatawan ng Department of Health (DoH) Health Emergency Response Team mula sa iba’t ibang rehiyon upang magbigay ng kaukulang medical interventions sa mga nangailangan nito dulot ng bagyong Kristine.
Nabigyan ng mga hygiene kits, iba’t ibang klase ng mga gamot at konsultasyon ang ilang mga evacuees matapos ang initial assessment sa kanila sa ilang evacuation centers.
Sinisiguro naman ng DoH na magiging sapat ang supply ng disinfectants, chlorine granules, at aquatabs na importante upang mapanatili ang personal hygiene at access ng mga evacuees sa malinis na tubig, at sanitation.
Bukas naman 24/7 ang ilang local Emergency Operations Center at Patient Navigation Referral units para mamonitor ang ilan pang lugar sa mga rehiyon na mangangailangan pa ng karagdagang tulong.