BILANG pagsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “full mobilization” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para tugunan ang epekto ng Bagyong Kristine, tuloy-tuloy ang operasyon ng ating kasundaluhan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa Camiling, Tarlac, nagsagawa ng sandbagging operations ang 71st Infantry Battalion kontra-baha. Nagsagawa rin ng rescue at evacuation operations ang PAF sa Lubang, Occidental Mindoro at sa San Fernando, Camarines Sur. Sinagip naman ng ating mga sundalo ang mga stranded na pamilya at alagang hayop sa Lopez, Quezon.