“It doesn’t matter there’s another storm coming, we cannot stop.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sinigurado ang “round-the-clock relief efforts”
Kasunod din ng situation briefing noong Miyerkules, inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang mga ahensya sa briefing ngayong Oktubre 25, 2024, na ipagpatuloy ang rescue at relief operations, at isipin ang kalagayan ng mga apektado ng Bagyong Kristine.
Bilang tugon sa ulat ng iba’t ibang ahensya, hinimok ni PBBM ang maingat na paggamit ng resources ng pamahalaan upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagbangon, lalo na sa kabila ng banta ng posible pang mga kalamidad. Ipinag-utos din niya ang pagsuporta sa LGUs sa pamamagitan ng karagdagang quick response fund.
Upang masuri ang lawak ng pinsala mula sa patuloy na pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine, nagsagawa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng aerial inspection sa mga apektadong lugar sa Batangas, Cavite, at Laguna.
Saklaw ng inspeksyon ang Pasig sa National Capital Region, Laurel, Lipa, Lemery, Nasugbu sa Batangas, at Noveleta sa Cavite.