26.6 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Women’s 3×3 Uratex Dream Philippines itinanghal na 1st runner up sa Red Bull Half Court World Final  sa New York; LJ Rafael Yasay nag-uwi ng silver mula sa 2024 Asian Open Cup Invitational sa Taipei

- Advertisement -
- Advertisement -

MATINDI ang naging laban ng Women’s 3×3 Uratex Dream Philippines sa kanilang huling ruta sa Red Bull Half Court World Final sa Brooklyn Bridge Park sa New York.

Ang pambansang koponan ng kababaihan, sa pangunguna nina Kaye Pingol, Afril Bernardino, Sam Harada at Eunique Chan, ay nagwagi laban sa Australia (9-8), United States (12-10,sa Overtime), Egypt (14-9) , at natalo sa Kuwait (13-15).

 

Sa playoffs, malinaw na tinalo ng Uratex Dream ang Ukraine sa score na 9-7 quarterfinals at tinalo ang Belgium sa mahigpit na 6-5 final score sa semis para mag-book ng ticket sa finals. Gayunpaman, hindi nalampasan ng koponan ang pinakamahusay ng Japan at yumuko sa kompetisyon bilang 1st runner up.

Samantaa, idinagdag ni LJ Rafael Yasay ang huling medalya para sa Team Bagsik sa Combat Elite Male -51 kg category sa 2024 Asian Open Cup Invitational sa Taipei.

Nagpakita ng puso si Yasay pagkatapos ng tatlong punishing round sa kanyang huling laban sa isang Vietnamese na beteranong kalaban ngunit hindi niya nakuha ang panalo. Gayunpaman, ito ay isang patunay lamang para sa kanya upang makabangon nang mas malakas para sa susunod na kompetisyon.

Tinapos ng pambansang muaythai team ang kanilang kampanya sa pag-angkin ng dalawang ginto, tatlong pilak, at isang tansong medalya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -