NITONG 11:00 AM, Oktubre 24, namataan sa Bauko, Mountain Province ang Severe Tropical Storm Kristine na tinatahak ang direksyong west southwestward sa bilis na 20 km/h.
Nasa tropical cyclone wind signal (TCWS) no. 3 ang Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya, at timog na bahagi ng Ilocos Sur. Nasa TCWS no. 2 ang ilan pang parte ng Luzon, at TCWS no. 1 naman ang ilang lalawigan sa Luzon at Visayas.