25.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

DSWD handang tumulong sa mga lilikas dahil sa pagpapakawala ng tubig sa Magat at San Roque dam

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga residenteng lilikas sa kanilang tahanan matapos na magpakawala ng tubig sa San Roque at Magat Dam.

Ang pagpapakawala ng tubig sa dalawang nabanggit na dike ay upang maiwasan na bumigay ito at magkaroon ng malakihang pagbaha bunsod ng tuloy tuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Kristine.

“We urge residents in flood-prone and landslide-prone areas residing near Magat and San Roque Dams to stay alert and follow the instructions of their local chief executives to ensure their safety once the spillway gates release water from the dams. Our DSWD Field Office-1 (Ilocos Region) is ready to assist the families that will evacuate,” sabi ni Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.

Gayundin, sinabi ng DSWD spokesperson na nagbigay babala na din ang ahensya sa mga acenters and residential care facilities (CRCFs) sa Region 1, partikular na sa Area 1 Vocational Rehabilitation Center (AVRC 1), The Haven – Regional Center for Children (TH-RCC), at Haven for Women (HFW) sa gagawing paglikas, upang matiyak na magiging ligtas ang mga kliyente dito. Nakikipagugnayan ang DSWD sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Dagupan City sa Pangasinan para sa pansamantalang matutuluyan sa mga evacuation centers.

Inihanda na rin ng mga kliyente ang kanilang Go Bags’ na naglalaman ng mga importanteng gamit tulad ng clothing, food, water, medicines, at flashlights.

Ang AVRC 1 clients ay pansamantalang ililikas sa Disability Resource and Development Center, habang ang mga kliyente mula sa TH-RCC at HFW ay dadalhin sa second floor ng center’s building.

“The DSWD will continue to ensure that all its clients in CRCFs are safe from harm from the effects of TS Kristine,” sabi ni Asst. Secretary Dumlao. (DSWD)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -