KINUMPIRMA ni Senator Bato Dela Rosa na handang dumalo si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikakasang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Pangungunahan ni Senate Minority Floor Leader ang naturang pagdinig sa susunod na Lunes, ika-28 ng Oktubre. Inaasahan naman ni Sen. Bato na maimbitahan din ang mga tumestigo sa naunang House quad-committee hearing kabilang na sina retired police colonel Royina Garma, PLt. Col. Jovie Espenido, drug lord na si Kerwin Espinosa, Former Iloilo Mayor Jed Mabilog, at former Bureau of Customs intelligence officer Jimmy Guban.