27.9 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Rio Alma pinasalamatan ni Sen Legarda para sa tulang ‘Tinalak’

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG nagpasalamat si Senator Loren Legarda kay Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario para sa tulang “Tinalak.”
Aniya, “Taos-puso akong nagpapasalamat sa ating National Artist na si Virgilio Almario para sa maganda at tunay na nakaaantig na tula, “Tinalak.” Ang akdang ito ay hindi lamang isang parangal; ito ay isang pagdiriwang ng ating mayamang pamana at ng lakas ng diwa ng ating mga tao. Bawat likhang habi ay simbolo ng ating sama-samang paglalakbay patungo sa hinaharap na nagbibigay-halaga sa dangal, tibay, at pagkakaisa.
Ang tulang ito ay naghahabi ng nakaraan at hinaharap, na nagpapaalala sa atin na ang lakas ng ating kultura ay nasa kakayahan nitong magbigay inspirasyon at gabay sa atin.
Mabuhay ang ating sining, kultura, at bayan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -