BILANG mahalagang uri ng mga pagsasanay at aktibidad pang-edukasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP), muling pinangasiwaan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), sa tulong ng Department of Labor and Employment – Workers’ Welfare and Protection Cluster (DOLE-WWPC), ang Labor Law Seminar na ginanap noong ika-19 ng Setyembre 2024 sa Iloilo City at dinaluhan ng 82 mga opisyal at kasapi na kumakatawan sa 28 transport cooperatives sa iba’t ibang lugar sa Region VI.