NAKIISA si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa ginanap na Sine Niña Docufilm Screening and Girls’ Right Forum ng Spark Philippines ngayong ika-18 ng Oktubre 2024.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Secretary Mina ang mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa pagbuo ng isang mas matatag at maunlad na lipunan.
“Girls, pursue your education fearlessly—because you have the power to transform not only your own future but also the future of this country,” ayon kay Sec. Mina.
Ibinahagi ni Sec Mina ang mga hakbang ng DBM upang isulong ang pagkakapantay-pantay sa ilalim ng national budget. Kabilang dito ang gender-responsive budgeting, partikular na ang pagpapalawig ng Gender and Development (GAD) Budget.
Tiniyak din ng Budget Secretary na patuloy na itataguyod ng DBM ang open governance, transparency, at accountability upang masiguro na bawat kababaihang Pilipino ay may oportunidad na magtagumpay sa isang Bagong Pilipinas.
Kasamang dumalo ng Budget Secretary sina DBM Undersecretaries Usec Goddes Hope Libiran at Margaux Marie Salcedo, gayun din si Assistant Secretary Atty. Diana Camacho-Mercado.