26.6 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Florante at Laura, isang ‘symphony’ ng pagkamalikhain ng numero unong kompositor at indayog ng mahuhusay na mananayaw ng Ballet Manila

- Advertisement -
- Advertisement -

“Something magical happens when artists come together! ” (May magic kapag nagsama-sama ang mga mahuhusay na mga artista!)

Ballet Manila CEO at creative director Lisa Macuja KUHA NI GERARD SEGUIA/The Manila Times

Ito ang sinabi ng award-winning na prima ballerina na si Lisa Macuja Elizalde, creative director ng Ballet Manila, tungkol sa world premiere ng piankabago nitong proyektong Florante at Laura.

Abigail Oliveiro bilang Laura at Joshua Enciso bilang Florante. KUHA NI GERARD SEGUIA/The Manila Times

Sinimulang itanghal  sa Aliw Theater noong Oktubre 12 at 13 2024 at sa Oktubre 19, 2024, 5pm, tinipon ng Florante at Laura ang mga pinakamahuhusay na manlilikha sa musika, literature, ballet at stage production.

Kolaborasyon ng mga ‘masters’

(Mula sa kaliwa) Ballet Manila set designer Mio Infante, The Orchestra of the Filipino Youth executive director Mickey Muñoz, Toma Cayabyab, makata at iskolar ng Balagtas Dr. Michael Coroza, National Artist for Music Ryan Cayabyab, Ballet Manila CEO at creative director Lisa Macuja, principal dancer and resident choreographer Gerardo Francisco Jr., resident choreographer Martin Lawrance, at kinatawan ng Make It Happen Therese Arroyo.

Isa itong proyekto na inaasahang magiging epiko ni Gerardo Francisco, patuloy ni Macuja, na pinaghahandaan na bago pa magpandemya.


Florante at Laura was a project that was going to be Gerardo Francisco’s next epic adventure. This was planned way before the pandemic happened,” alaala ni Lisa.

Si Gerardo ay isang principal dancer at co-artistic associate ng Ballet Manila, na nag-choreograph din ng award-winning na Ibong Adarna. Kasama niya ang British choreographer na si Martin Lawrance na nasa likod ng Romeo at Juliet ng Ballet Manila sa setting na Filipino.

Mula sa kolaborasyon nina Gerardo at Martin ay naging panauhin ang eksperto sa balagtasang si  Propesor Michael Coroza sa programa ni Macuja na Art to Art kung saan inimbitahan niya si Coroza na manood ng Ibong Adarna. Pagkatapos manood ni Coroza ay agad niyang pinuntahan si Macuija at nagsabing nais niyang gawin ang libretto ng Florante at Laura. Agad ay nagkaroon ng kolaborasyon sina Gerardo, Martin at Coroza.

Pagkatapos ay pinag-isipan nila kung sino ang magiging kompositor ng orihinal na awit o tunog ng Tchaikovsky na may timplang Filipino—dumadaloy, dramatiko, makapangyarihan at romantiko.

- Advertisement -

Masayang-masaya si Lisa nang pumayag ang National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

“I was so very thrilled when National Artist for Music Ryan Cayabyab said yes!” sabi ni Lisa.

Pambansang Alagad ng Sining Ryan Cayabyab Kuha ni Gerard Sequia

 Pambansang Alagad ng Sining sa Musika

Isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music (OPM), si Ryan Cayabyab, ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika noong 2018 na may malawak na hanay ng trabaho mula sa mga orkestra at full-length musical productions hanggang sa telebisyon at mga patalastas.

Inamin ni Cayabyab na agad niyang tinanggap ang alok ni Lisa nang malaman niya na Florante at Laura ang proyekto.

“ Sa kagaya kong nagkaka-edad na ay nais kong lumikha ng awit para sa mga klasikong proyekto tulad ng Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar, isa itong matatawag na legacy,” sabi ni Cayabyab.

- Advertisement -

Sa kabila ng pagiging isang batikang kompositor at musikero, tuwang-tuwa si Ryan na makatrabaho ang mga kapwa malilikhaing mga “masters.” Mahalaga sa kanya na may maayos na pag-iintindihan ang mga manlilikha at ang producer tungkol sa istilo at medium ng musika.

Sa ni Cayabyab, “Most important before I start creating music is the mutual understanding among the other creatives and the producer regarding style and medium of music.”

Ang mga tutugtog sa kanyang orihinal na komposisyon ay ang Orchestra of the Filipino Youth (OFY) sa ilalim ng baton ng kanyang anak na si Toma Cayabyab—isa na namang pangarap na natupad kay Ryan.

“Everything is a surprise and wonder for me. I challenged myself into accepting this landmark ballet production, and I hope that it becomes an important legacy for all of us involved in it.”

Isang epikong produksyon

Isang obra maestra sa panitikan na isinulat ng makatang Pilipino na si Francisco ‘Balagtas’ Baltasar at inilathala noong 1838, sinundan ng Florante at Laura ang kuwento ni Florante, isang duke na binihag at inalipin ng mga Turko. Ngunit sa tulong ni Aladin, nagawa niyang makatakas mula sa mga bumihag sa kanya upang bumalik sa kanyang bansa, Albania, upang harapin ang mang-aagaw na si Konde Adolfo, humingi ng katubusan, at muling makasama ang kanyang minamahal na si Laura.

Upang isalin ang mga unibersal na tema ng kuwento ng pag-ibig, pagkakanulo, at pagkakaibigan sa mga dramatikong visual, kinuha ng Ballet Manila ang kadalubhasaan ng mga nangungunang eksperto na naging bahagi ng maraming lokal at internasyonal na mga produksyon sa loob ng mga dekada. Ipinaliwanag ng set designer na si Mio Infante na hindi lamang inilalarawan ng kanyang mga disenyo ang aktwal na tagpuan sa kuwento.

Paliwanag ni Infante, “This epic ballet includes a diverse set of locations, which not only serve as physical spaces but also symbolize the internal and external conflicts of the characters, as well as broader themes of love, war, loyalty, and betrayal.”

Kalakip ng kanyang mga disenyo ay ang mga nakamamanghang costume mula sa Make It Happen, sa pangunguna nina Otto Hernandez at Therese Arroyo Hernandez.

Paliwanag ng dalawa, “Costumes play a crucial role in conveying the story and message of a production. It can contribute to the overall visual aesthetics, help define characters, evoke emotions, and enhance the audience’s understanding of the narrative.”

Samantala, binibigyang-diin ng light director na si John Batalla ang kahalagahan ng paggamit ng natatanging paleta ng kulay ng pag-iilaw upang makilala ang iba’t ibang “locale” ng Florante at Laura.

“Mood is certainly a major part of the themes that lighting has to tackle in a production such as this in order to transport the audiences to a different time and far-away places.”

Mga dapat asahan sa Ballet Manila

 Isa sa mga pangunahing dance companies sa bansa, ang Ballet Manila ay kilala sa matalas na pagtingin nito sa kahusayan at kasiningan. Bagama’t nakagawa ito ng maraming award-winning na produksyon, makakaasa ng higit pang world class na pagtatanghal sa pamumuno ni Lisa.

Pero sa ngayon, nais ni Lisa na matuwa at mamangha ang mga manonood sa napaka-engrandeng palabas na ito na Florante at Laura

Sabi niya,  “That’s why we work so hard every day – to create art that people will want to watch again and again.”

Dahil sa nakapahusay na pagtatanghal magkakaroon ng extended run sa Nobyembre ng kasalukuyang taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -