31.2 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Sorsogon Sports Arena pinasinayaan ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -
BILANG bahagi ng pinalakas na suporta ng administrasyon sa atletang Pinoy, pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Sorsogon Sports Arena (SSA) nitong ika-17 ng Oktubre 2024, kasabay ng pagdiriwang ng 130th anniversary ng Sorsogon province at ng 50th Kasanggayahan Festival.
May kapasidad na 12,000 katao, ang SSA ay magsisilbing National Training Camp para dumami pa ang world-class athletes at Olympians mula sa bansa. Dinisenyo rin ang Arena para sa mga conference, summit, concert, at mga kumpetisyon na magdadala ng mas madaming oportunidad at aktibidad sa rehiyon.
Binisita rin ni Pangulong Marcos Jr. ang ilang proyekto sa Sorsogon City, kabilang ang Sampaloc Tenement at ang Sorsogon National Government Center.
Hatid ng Sampaloc Tenement, na binubuo ng dalawang gusali na may tig-32 shelter units, ay pabahay para sa informal settlers sa Brgy. Sampaloc.
Para mailapit at mapabilis ang serbisyo sa taumbayan, ang Sorsogon National Government Center naman ay magsisilbing one-stop-shop para sa iba’t ibang serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -