27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Sen Bato nanindigan na walang ipinatupad na ‘reward system’

- Advertisement -
- Advertisement -

NANINDIGAN si Sen. Ronald Bato Dela Rosa na wala itong ipinatupad na “rewards system” para sa mga kapulisan nang manungkulan bilang PNP Chief sa kasagsagan ng drug war ng administrasyong Duterte. Ito ay hinggil sa naging pahayag ni retired police colonel Royina Garma sa ginagawang pagdinig ng quadcom sa Kamara.

Ayon sa senador, bukod sa walang pondo ang ahensya para dito, hindi na rin kailangan ang naturang sistema dahil bahagi ng sinumpaang tungkulin ng mga kapulisan ang protektahan ang mga komunidad sa banta ng ilegal na droga.

“Sa quad-comm ko lang narinig ‘yung ‘Davao model’ na ‘yan…Ang pinaka-Davao model siguro na kung ano ‘yung pinaggagawa namin sa Davao noon nu’ng ako’y nag-Chief PNP is ‘yung Oplan Tokhang…Hindi ko kayang i-implement ‘yan (rewards system) at hindi ako bilib sa system na ‘yan dahil wala akong pera na magamit para diyan. Wala akong pondo para diyan at hindi ako naniniwala diyan dahil alam ko trabaho ng pulis talaga ‘yan na linisin ‘yung droga sa kanyang area.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -