29.9 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Gatchalian hinikayat ang mga Pilipino sa Sudan na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo

- Advertisement -
- Advertisement -

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga Pilipino na nasa Sudan na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt para sa kanilang agarang pag-uwi sa Pilipinas sa gitna ng tumataas na labanan sa nasabing bansa.

Sinabi rin ni Gatchalian na dapat kumbinsihin ng mga Pilipinong nakabase sa Pilipinas ang kanilang mga kaanak at mahal sa buhay na nasa Sudan na humingi ng tulong sa embahada. Nauna nang sinabi ng DFA na nasa 400 na mga pinoy ang rehistrado sa Sudan.

“Kailangang matunton ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers ay ang mga Pilipino sa Sudan at tiyakin ang kanilang kaligtasan habang hinihintay nila ang pagpapa-uwi sa kanila ng gobyerno,” sabi ni Gatchalian.

Ginawa ng senador ang panawagan kasunod ng pagpapalabas ng isang advisory ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga pinoy na nasa Sudan na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo upang sila ay maisama sa repatriation efforts ng pamahalaan.

Habang ang lahat ng paliparan sa Sudan ay nananatiling sarado, ang isang paraan para makalabas sa Sudan ay sa pamamagitan ng land travel mula Khartoum hanggang Cairo at pagkatapos ay lumipad mula Cairo patungong Maynila. Tinataya ni Gatchalian na ang pagpapauwi sa 400 na Pilipino ay aabutin ng P34 milyon hanggang P46 milyon. Bukod dito, kailangan din ng karagdagang budget para sa pagkain at lodging na nasa humigit-kumulang P23 milyon para sa inaasahang dalawang araw na subsistence allowance ng mga repatriates, ayon kay Gatchalian.

Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay may budget allocation na P1.259 billion para sa “protection and promotion of welfare of overseas Filipinos.” Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) naman, isang attached agency ng Department of Migrant Workers (DMW), ay may repatriation budget na nagmumula sa mga kontribusyon ng mga employer. Sa pagtatapos ng 2021, ang halaga ng pondo ng OWWA ay umabot na sa P1.40 bilyon.

Ayon sa pinakahuling mga balita, mahigit 500 na Pilipino sa Sudan ang nagpadala na ng kanilang mensahe sa mga opisyal ng embahada na humihingi ng tulong sa gobyerno para sa kanilang repatriation. Sinasabing maaaring umabot pa ng hanggang 700 ang mga pinoy na nasa Sudan at karamihan ay undocumented.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -