31.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

DoH,PJGRMMC, TGH binuksan ang Bucas Center sa Rizal, Nueva Ecija

- Advertisement -
- Advertisement -
NGAYONG Oktubre 16, 2024, pinangunahan ng Department of Health (DoH), sa pamamagitan ni Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire at Central Luzon Regional Director Corazon Flores, ang pagbubukas ng unang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Center sa munisipalidad ng Rizal sa Nueva Ecija.
Dumalo sa okasyon sina  Dr. Jose Ravinar Austria, chief ng  Garcia Memorial Research and Medical Center (PJGRMMC) Medical Center at Talavera General Hospital (TGH) Medical Center Chief Dr. Ma. Isabel Gallardo, PhilHealth Region 3-B Branch Manager Arlan Granali, Nueva Ecija Congressman Joseph Violago, gayundin si Rizal, Nueva Ecija Mayor Hanna Andres.
Kabilang sa mga serbisyong iaalok ng pasilidad na ito ay ang mga piling kaso ng ambulatory surgery, outpatient specialty clinics, ultrasound para sa mga buntis, atbp.
“We hope that this will serve as a catalyst in the pursuit of our shared goals and objectives in empowering every Filipino on our road towards a Bagong Pilipinas kung saan lahat ng Pilipino ay ramdam ang kalusugan. Sa iisang tunguhin, sama-sama nating itaguyod ang ating pangarap na Kalusugang Pangkalahatan,” ani Undersecretary Singh-Vergeire.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -