26.9 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Talakayan sa kalayaan ng asosasyon isinulong ng DoLE sa Calabarzon

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAMUNUAN kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa CALABARZON ang pulong ng Regional Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee para mabisang matugunan ang mga banta sa kalayaan ng asosasyon at tiyakin ang iisang pamamaraan sa pagpapanatili ng kapayapaan ng industriya sa rehiyon.

Nakipagpulong ang DoLE Calabarzon sa mga kinatawan mula sa sektor ng manggagawa, namumumuhan, at pamahalaan, kabilang ang mga ahensya na nagpapatupad ng batas upang talakayin ang Omnibus Guidelines on the Exercise of Freedom of Association and Civil Liberties bilang bahagi ng Kagawaran ng Paggawa ng serye ng pambansang paglulunsad ng nasabing alituntunin.  (Larawan mula sa DOLE 4A)

Dumalo ang mga pangunahing stakeholder na binubuo ng mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Regional Investigation and Detection Management Division (RIDMD), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Regional Conciliation and Mediation Board (RCMB) sa mga talakayan na ginanap sa Calamba City, Laguna.

Binigyang-diin ni DOLE CALABARZON Regional Director Atty. Roy L. Buenafe ang pangunahing layunin na tukuyin at tugunan ang mga kaso na sinusubaybayan ng RCMB upang maiwasan ang potensyal na karahasan na nakakaapekto sa mga manggagawa at namumuhunan.

Tinalakay ni Mediator-Arbiter Atty. Rosita Villaluz ang mga tungkulin at responsibilidad ng pamahalaan, investment agency, at mamumuhunan sa ilalim ng Omnibus Guidelines on the Exercise of Freedom of Association and Civil Liberties, na nagbibigay ng malinaw na balangkas para sa sama-samang pagtutulungan at pagsunod sa alituntunin.

Samantala, nagbigay naman si Regional Conciliation Mediation Board Director Cynthia Foncardas ng update at detalye sa walong kritikal na kaso at mga kaugnay na isyu na kanilang sinusubaybayan.

Tinugunan din sa pulong ang mga katanungan ukol sa sa mga itinakdang panahon sa pagbibigay ng DOLE ng clearance sa mga reklamong kriminal. Nagtanong si Regional Director Buenafe tungkol sa papel ng IPA Police sa pagsubaybay sa isang kaso na nasa hurisdiksyon ng PEZA.

Ipinaliwanag naman ni Engr. Alejo Macaraeg na ang pangunahing tungkulin ng PEZA police ang subaybayan ang status ng mga kargamento sa halip na direktang makipag-ugnayan sa kinauukulan kompanya upang matiyak na hindi nagagambala ang paggalaw ng mga produkto.  Bilang tugon, sinabi ni Regional Director Buenafe na mahalagang buhayin ang Cabuyao Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) upang mapahusay ang pangangasiwa at koordinasyon.

Upang maiwasan ang maling paggamit ng “red-tagging”, inirekomenda ni LTCOL Ronaldo Jess Alcudia, Taskforce Ugnay Commander, na gawin muna ng PNP ang lahat ng posibleng solusyon bago ito ibigay sa AFP.  Ang pamamaraang ito ay naaayon sa direktiba na malinaw na nakasaad sa Omnibus Guidelines.

Ang inter-agency meeting ay bahagi ng pinalakas na hakbangin ng DOLE CALABARZON sa pagtataguyod ng Freedom of Association sa rehiyon.

Noong Hulyo, nagsagawa ang DOLE CALABARZON ng regional tripartite conference kung saan lumahok ang mahigit 150 kinatawan mula sa sektor ng manggagawa, mamumuhunan, at pamahalaan para sa pamamahagi ng impormasyon tungkol sa Omnibus Guidelines. Nagsilbing daan ang kumperensya para sa tripartite consultation at social dialogue, isang panimulang hakbang para sa patuloy na pagtutulungan para sa kalayaan ng asosasyon ng mga stakeholder.

Sinundan ang orientation ng lecture na dinaluhan ng mga unipormadong kawani mula sa PNP, AFP, at Philippine Coast Guard. Pinangunahan ni Regional Director Buenafe, kasama si Mediator-Arbiter Villaluz, ang mga talakayan na nakatuon sa pagsusulong ng kalayaan sa edukasyon ng asosasyon ng mga unipormadong kawani. DOLE CALABARZON/aldm/gmea

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -