26.5 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Kanselasyon ng kandidatura ni Quiboloy bilang senador, pinag-aaralan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGHAIN nitong Miyerkules ng petisyon si Senatorial aspirant Sonny Matula para kanselahin ang kandidatura ng kontrobersyal na preacher na si Apollo Quiboloy.

Larawan mula sa file ng The Manila Times

Ang kandidatura ni Quiboloy ay nasa ilalim ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka (WPP) kung saan kandidato si Matula.

Ang paunang salita ng kanyang petisyon ay nagsabi na si Quiboloy ay hindi kailanman miyembro ng kanilang partido.

Nakasaad sa petisyon: “The Workers’ and Peasants Party (WPP) is not opposed to religious leaders running for public office; however, we strongly object to the misuse and hijacking of our party’s name to bolster a candidacy, particularly in the case of Apollo C. Quiboloy. He is neither a member of our party, nor a guest candidate, and has not received any nomination from our authorized officers.”

Ayon sa paliwanag ni Matula at ng WPP, si Quiboloy ay naglalaro ng “usok at salamin” sa kapinsalaan ng partido at “pinagsasamantalahan ang proseso ng elektoral bilang isang smokescreen upang ilayo ang atensyon mula sa mga seryosong kasong kriminal na kinakaharap niya, kabilang ang kwalipikadong human trafficking at sekswal na pang-aabuso sa mga menor de edad.”

“This undermines the integrity of the 2025 senatorial elections and makes a mockery of our democratic system,” nakasaad sa paunang salita ng petisyon.

Ayon sa WPP, natuklasan nito na ang certificate of candidacy (CoC) ni Quiboloy ay walang authorized Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) mula sa partido.

Naghain ng kanyang CoC si Quiboloy, na nakakulong sa PNP, sa pamamagitan ng abogadong si Mark Tolentino bilang kinatawan.

Nakasaad sa petisyon, “The actions of the unauthorized individuals have led to the wrongful nomination of respondent Pastor Apollo C. Quiboloy, who does not represent the interests of the Workers’ and Peasants’ Party (WPP) and whose candidacy is prejudicial to the party’s established rules and procedures.”

“It also destroys the image of the WPP in the public as if it is endorsing a person accused of qualified human trafficking and sexual abuse of minors and now detention for these grave crimes as its candidate,” dagdag pa sa petisyon.

Ayon sa petisyon, ang batayan para sa pagkansela ng kandidatura ni Quiboloy ay ang “material misrepresentation.”

Nanawagan ang mga petitioner sa Comelec na kanselahin agad ang CONA at CoC ni Quiboloy at ideklara siyang nuisance candidate.

Si Matula ay tumatakbong muli para sa Senado, kasunod ng 2022 polls.

(Halaw mula sa artikulo ni Aric John Sy Cua sa The Manila Times)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -