26.5 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Guro sa Puerto Princesa sapat; kakulangan sa silid aralan, tinutugunan

- Advertisement -
- Advertisement -

SAPAT ang mga guro sa Puerto Princesa, ayon kay Department of Education (DepEd)-Puerto Princesa OIC Schools Division Superintendent Laida Mascareñas.

“Pagdating po sa usapin sa bilang ng mga guro, nagpapasalamat po kami dito sa DepEd-Puerto Princesa, walang kulang na teachers, kasi po ang atin pong mga elementary at junior high school ay kompleto sa mga teachers,” pahayag ni Mascareñas sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ngayong Oktubre 15.

Sa tala ng DepEd as of July 5, 2025 ay mayroong 75 na public elementary school at 26 na secondary schools ang Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon pa kay Mascareñas, bagama’t may kulang na 37 na guro sa Senior High School, ito ay napunan naman ng Local School Board (LSB)-hired teachers na ang kanilang mga suweldo ay naka-charge sa Special Education Fund (SEF).

Nagkaroon din ng karagdagang anim na Alternative Learning System (ALS) teacher ang DepEd-Puerto Princesa na naka-charge din ang suweldo sa SEF. Ang mga ito naman ay itinalagang ALS teachers para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na dumami ngayong taon dahil sa inilipat ang mga ito sa Palawan mula sa National Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Mascareñas, nasa 750 PDL learners ang nadagdag sa lungsod.

Pagdating naman sa kakulangan sa silid-aralan, sinabi ni Mascareñas na mayroong 735 classroom shortage ang lungsod, ngunit tinutugunan na ito.

Sa kasalukuyan ay may mga itinatayo nang school buildings sa ilang mga paaralan sa lungsod na pinondohan ng DepEd at ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Mayroon ding mga gusaling pampaaralan na isinailalim sa repair at rehabilitation sa ilalim ng Special Education Fund.

Bagama’t may kakulangan ng silid-aralan sa ibang mga paaralan sa lungsod, mayroon ding sobrang silid-aralan sa ibang mga paaralan na umabot sa 43 classrooms dahil bumaba ang enrolment sa mga paaralang ito, ayon kay Mascareñas. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -