PARA sa mga K-culture lover at sa mga gustong makaranas ng kakaibang klase ng pizza mula sa original na 10-inch pizza chain Eat Pizza, matitikman na ito sa unang branch nito sa SM North EDSA.
Binuksan ang kauna-unahang branch kamakailan sa 2nd Floor SM North Edsa’s main mall, ang Eat Pizza ay may Korean flavor na hindi pa natitikman ng mga Filipino at unique ang serving size.
Binuksan ang unang store ng Eat Pizza sa South Korea noong 2021 at lumago itong hanggang maging 120 stores. Mayroon na rin itong mga branches sa Thailand at Singapore.
Gawa ito sa high-protein dough na mayroong extra virgin olive oil pagkatapos ay lalagayan sa ibabaw ng 100% natural mozzarella cheese at mga pinakasariwang gulay.
Ilalagay ito sa 10-inch-long na rectangular pizza package para sa ideal na group bonding indulgence.
Ang bagong Philippine branch ay mag-aalok ng 10 masarap na lasa ng pizza, mula sa mga klasikong lasa ng pizza hanggang sa mga slide na may Korean twist. Kabilang dito ang mga tradisyonal na pizza tulad ng Aloha, Pepperoni at Real Cheese.
Pero tiyak na gugustuhin ng isa na makipagsapalaran at subukan din ang kakaibang Korean inspired flavor nito. Para sa mga mahihilig sa karne, mayroong Bulgogi sa menu o kung mahilig sa mga bagay na may kaunting sipa, ang Hot & Spicy Bulgogi, ang Samgyeopsal o Korean sausage. Ang mga mahilig sa Korean snack ay tiyak na magugustuhan ang lasa ng Sweet Milk, Sweet Corn o Sweet Potato.
“Filipinos have fallen in love with so many things Korean, including their food. Eat Pizza is a way to bring together two things Filipino foodies love – pizza and Korean cuisine – in a deliciously innovative way,” sabi ni Scott Tan, managing director ng Scottland Food Group Corporation, ang distributor ng Eat Pizza.
“Eat Pizza not only offers Korean flavors you love on a pizza, but the serving size is unique as well. Whether you are a solo diner craving pizza or just as a way so that everyone gets to order the flavor that they want, Eat Pizza offers an out of the ordinary pizza experience in every slide for everyone,” dagdag pa niya.