SA ikalawang araw ng school visit ni DepEd Secretary Sonny Angara sa Northern Mindanao Region, binisita niya ang Kinanao Pamalihi Elementary School at City Central School sa Cagayan de Oro at Opol National Secondary Technical School at Sinaloc Elementary/National High School sa Misamis Oriental.
Bahagi ng kanyang pagbisita sa Kinanao Pamalihi Elementary School ang turnover ceremony ng Last Mile School building para sa mga katutubong Higaonon.
Samantala, nagkaroon din ng Inauguration Ceremony ng Inclusive Learning Resource Center sa pangunguna ni Secretary Angara sa City Central School sa Cagayan de Oro. Ang nasabing pasilidad ay may iba’t ibang function tulad ng hydrotherapy facility, speech laboratory, computer laboratory, drone simulation facility, Madrasah classroom, at iba pa.