31.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

SIRM: Doblehin ang kita ng magsasaka at itigil ang pag-alis sa sakahan

- Advertisement -
- Advertisement -

“Ang agrikultura ay dapat maging kapaki-pakinabang muli upang maengganyo ang mga Pilipino na magtrabaho sa bukirin. Kung hindi, aasa tayo sa imported na pagkain pagsapit ng 2030,” babala ni Senator Imee Marcos, na nagpahayag ng pag-aalala sa patuloy na pagbaba ng mga manggagawa sa agrikultura.

Upang matugunan ang isyung ito, inihain ni Senador Marcos ang Senate Bill No. 1801 upang madoble ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga sakahan, contract farming, at agribusiness ventures.

Layon din ng senadora na magpasa ng panukalang magbibigay sa mga magsasakang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ng tiyak na sahod na katumbas ng minimum wage sa kani-kanilang lugar.

“Naghahanap kami ng paraan kung paano makapagbigay ang gobyerno ng garantisadong kita sa mga magsasaka. Kung may suporta sa kita ang ibang sektor, bakit hindi natin gawin sa mga magsasaka?” aniya.

Binuhay din ng senadora ang Kadiwa program upang direktang maibenta sa mga mamimili ang produkto ng mga magsasaka at mangingisda, kaya bumababa ang presyo ng bilihin. Nagbibigay din ito ng mga trak, bangka, at refrigeration equipment sa LGU at kooperatiba.

Ibinida rin ni Sen. Marcos ang Young Farmers Challenge (YFC) program na nakatulong sa 3,625 na Pilipino mula 2021 sa pamamagitan ng smart farming, e-marketing, at export opportunities. “Ang YFC ay muling nagpasigla ng interes sa agrikultura,” aniya.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong Agosto 2024, habang bumaba ang unemployment rate sa 4%, nawala naman ang 1.67 milyong manggagawa sa agrikultura at pangisdaan mula noong 2023. Dagdag pa rito, 51 milyong Pilipino ang nakakaranas ng kakulangan sa pagkain, ayon sa ulat ng UN.

“Hindi ko isusuko ang agrikultura. Nakikita ko ang pag-asa sa ating mga kabataang magsasaka, ngunit kailangan nila ng suporta mula sa gobyerno,” diin ni Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -