BUMISITA si Vice President Sara Duterte sa St. Peter the Apostle Church sa Vinzon, Camarines Norte, ang pinakamatandang simbahan sa Camarines Sur.
Kuwento ng Ikalawang Pangulo Duterte sa kanyang Facebook page, “Habang nasa bayan ng Vinzons, binisita natin ang simbahan ng St. Peter the Apostle Church upang iparating sa pamamagitan ng panalangin ang ating pagpapasalamat. Ipinagdasal din natin ang kapayapaan at kaligtasan ng ating bayan.
“Ang simbahan ng St. Peter the Apostle Church ang pinakamatandang simbahan sa buong lalawigan ng Camarines Norte na itinatag ng mga Franciscano noong 1581.
“Dinadayo ito dahil sa kanyang mayabong na kasaysayan at kinikilala bilang isang tourism site ng bayan. Ang simbahang ito ay bahagi ng binubuong heritage tour ng bayan ng Vinzons upang isulong ang turismo sa kanilang lugar.”
Halw ang teksto at mga larawan mula sa Facebook page na Inday Sara Duterte