IPINAHAYAG ng Department of Health (DoH) ang kanilang pagsuporta sa panukala ng Chairperson ng Senate Committee on Health, Senator Kuya Bong Go ukol sa Urgent and Emergency Care.
Anila, dapat pinopondohan ang urgent at emergency care dahil base sa mga pag-aaral, mas nakakatipid at nakakaligtas ng buhay kapag ang mga sakit ay agarang maagapan o di kaya ay agad na maiiwasan.