26.5 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Cayetano, nabahala sa bagong timeline at halaga ng New Senate Building

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng mga bagong detalye si Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes, Oktubre 10, sa nagaganap na pagsusuri sa New Senate Building at sinabing nababahala siya sa bagong timeline at halaga ng proyekto.

“Since we started the review of the project, we haven’t made any accusations or allegations, we’re just fact-finding,” pahayag niya sa isang media interview sa Senado nitong October 10, 2024

Ani Cayetano, na chairman ng Senate Committee on Accounts na sumusuri sa NSB, kamakailan lamang nakatanggap ang kanyang tanggapan ng liham mula sa sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipinasa sa pamamagitan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Ayon sa DPWH, ang inaasahang tagal ng konstruksyon ng Phase 3 ng gusali ay nasa pagitan ng 36 hanggang 48 na buwan, at hindi pa kasama ang aesthetic, interior fit-out works, at Building Electronics Systems.

Tinawag ito ni Cayetano na “unacceptable,” kaya sumulat siya pabalik sa departamento upang i-review nito ang schedule dahil sa tagal nito ay maaari nang makakumpleto ng isang panibagong gusali.

Dagdag niya, ang Revised Detailed Architectural and Engineering Designs (R-DAEDS) ng proyekto ay natapos lamang noong nakaraang buwan. Bago naupo si Cayetano bilang chairman ng Accounts Committee, ang NSB ay walang itinakdang presyo at final engineering and architectural plans.

Dahil dito, muling lolobo ang projected cost ng NSB sa P31.67 billion, o P33.07 billion kung isasama ang halaga ng pagbili sa lupa.

“It’s only now that we have a timeline and overall project cost, but hindi acceptable y’ung timeline na three to four years. And hindi rin acceptable kay Senate President y’ung P31.6 billion na building cost or P33 billion na total project cost,” wika ni Cayetano.

Aniya, ang kanyang komite ay bubuo ng panibagong Senate Coordinating Team (SCT) upang mapabilis ang internal processes at sinabihan ang DPWH na sundan din ito.

“We’re going to put up a new Senate coordinating committee kasi nga maraming, for lack of a better word, red tape, too many people, and too many levels. But we’re asking the DPWH to mirror y’ung gagawin namin kasi paikot-ikot din sa iba’t ibang proseso nila,” wika niya.

Sinabi ni Cayetano na ang pangunahing layunin ay mabawasan ang laki ng gastos sa NSB nang hindi nakokompromiso ang kalidad nito at kaligtasan ng mga gagamit nito.

“Ang trabaho ko is to give an honest report that is comprehensive and factual, and to present to the Senate President and to all the senators a plan na matapos ng pinakamaganda sa least cost y’ung Senate building,” wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -