IBINALITA ni Vice President Sara Duterte ang kanyang naging meeting kasama si Kapitan Welisa Salen at mga opisyal ng Brgy Banocboc sa Vinzons, Camarines Norte.
Kuwento ng Pangalawang Pangulo, “Habang nasa isla tayo ng Calaguas, hindi na natin pinalampas ang pagkakataon na makipagpulong sa mga opisyales ng Brgy. Banocboc, Vinzons, Camarines Norte na pinangungunahan ng kanilang Punong Barangay na si Kap. Welisa Salen.
“Pinakinggan ko sila sa kanilang mga hinaing at kinamusta ko sila. Nagpasalamat rin ako sa oras na ibinigay nila sa akin at sa pagtanggap nila. Sinabi ko rin sa kanila na binibisita natin ang mga malalayong isla at lugar upang alamin kung nakakarating ang serbisyo ng national government sa kanilang lugar.
Ang Brgy. Banocboc ay isa sa mga island barangay ng Calaguas Islands kung saan matatagpuan ang magagandang mga baybayin.”