NAGANAP ang lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Cebu Normal University (CNU) sa Bulwagang Romualdez, Gusaling Watson, Komisyon sa Wikang Filipino para sa layunin ng pagtatatag ng Sentro ng Pagsasalin sa CNU.
Mga lumagda mula sa kaliwa, Dr. Carmelita Abdurahman (KWF) Dr. Arthur Casanova (Tagapangulo, KWF) Dr. Daniel Ariaso Sr. (Pangulo, Cebu Normal University) Dr. Lita Bacalla (Direktor, Sentro ng Wika at Kultura/Sentro ng Pagsasalin sa CNU).