SIMULA ngayong Oktubre 2024, muling samahan ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa panibagong serye ng pagtuklas sa mga bago at napapanahong kaalaman na makatutulong sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang magbibigay ng dekalidad na basic education.
May temang “Sharpening the 21st-Century Skills of Learners,” tuon ng Research O’clock (ROC) 2024 ang pagpapatibay ng Basic Education Curriculum upang mas mahubog ang mga mag-aaral na maging handa sa mga makabagong hamon.
Sakop ng ROC 2024 ang mga paksa na nakatuon sa teknolohiya at digital literacy, values education and learning environment, technical and vocational skills, at career readiness and employment.
Para sa unang episode, makakasama natin ang Philippine Statistics Authority bilang bahagi ng pagdiriwang ng 35th National Statistics Month.
Mapapanood ang lahat ng sessions sa official Facebook Page, YouTube Channel, at website ng DepEd Philippines.
Hindi na kailangang magpa-register.