28.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

VP Sara nagsagawa ng multi-sectoral meeting sa Naga City

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG  ibinalita ni Vice President Sara Duterte na sinulit niya ang kanyang pagbisita sa Naga City kamakailan.
Aniya, “Sinulit ko ang aking pagbisita sa Naga City noong dumalo sa kapistahan ng Ina ng Peñafrancia sa nakaraang linggo upang makipagkita at makamusta ang ating mga kababayan mula sa iba’t ibang sektor.
“Dito ay mas naipahayag nila sa akin ang mga pangangailangan ng bawat sektor at kung ano ang mga programang maaaring itulong ng ating tanggapan.
Pinasalamatan ko sila sa kanilang patuloy na suporta sa akin at sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.
Maraming Salamat at Happy Fiesta Ina ng Peñafrancia!
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -