27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

NBI, hinikayat ang pakikiisa ng lahat laban sa ilegal na droga

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIKAYAT ng National Bureau of Investigation (NBI) Mimaropa ang pakikiisa ng mamamayan upang puksain ang ilegal na droga sa rehiyon.

Sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency noong Oktubre 1, sinabi ni NBI Mimaropa Regional Director Gelacio Bongngat na hindi dapat hayaang lumaganap ang ipinagbabawal na gamot.

Ayon pa kay Bongngat, isang mabisang paraan ang pakikipagtulungan ng komunidad sa mga enforcement agency laban sa ilegal na gawain.

Naging bahagi ng pag-uulat ng direktor ang sunod-sunod na isinagawang operasyon ng NBI at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa ilegal na droga sa rehiyon na nagresulta sa pagkumpiska nila kamakailan ng limang kilo ng shabu sa bayan ng Bongabong sa Oriental Mindoro.

“Very alarming ang drugs sa Mimaropa kaya dapat din tayong mag-focus dito, hindi lang sa cybercrimes,” saad pa ni Bongngat.

Kaugnay nito, hiniling ni Bongngat sa mga mamamahayag na iparating sa NBI ang anumang impormasyon kaugnay ng ilegal na droga.

“Makikipagtulungan tayo sa PNP at PDEA upang masupil ang drug operation dito sa atin,” sabi pa ni Bongngat. (VND/PIA MIMAROPA–Occidental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -