PORMAL nang naghain ng Certificate of Candidacy (CoC) si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, kasama sina Sen. Christopher “Bong” Go at aktor na si Philip “Ipe” Salvador, para sa muling pagtakbo bilang senador sa nalalapit na 2025 midterm elections. Isinagawa ang naturang filing ng COC sa Manila Hotel kung saan ay nagpakita rin ng buong suporta ang kanilang kasamahan at kapartidong si Sen. Robinhood Padilla.
Kakandidato si Dela Rosa para sa ikalawang termino sa sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya sa public order at national security.
“Given the chance na ako ay mananalo, rest assured that I will continue my advocacy on public order and national defense and security. Doon po ako magfo-focus,” sabi ni Dela Rosa.