26.4 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Sen Legarda suportado ang muling pagtakbo ni Congressman AA Legarda sa Antique

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAHAYAG ni Senator Loren Legarda ang kanyang buong suporta sa muling pagtakbo ng kanyang kapatid na si Congressman Antonio Agapito “AA” Legarda bilang kinatawan ng Lone District ng Antique.

Bilang mga tapat na tagapaglingkod-bayan, nagtulungan sina Senator Legarda at Congressman Legarda upang mas mapalapit ang mga programa ng gobyerno sa mga Antiqueño at tinitiyak na ang mga benepisyo ay umaabot sa mga pinaka-nangangailangan at kapos palad sa kanilang lalawigan.

“Sa ating patuloy na pagsulong patungo sa mas maunlad na lipunan, mahalaga na ang ating mga kasimanwa ay patuloy ding nakakatanggap ng mga serbisyong kailangan nila, lalo na sa kalusugan, edukasyon, at kabuhayan. Tiwala ako na ipagpapatuloy ni Cong. AA ang adhikaing ito. Hindi niya ako binigo sa kanyang unang termino, sigurado ako na sa patuloy na suporta at tiwala ng ating mga kasimanwa sa kanyang muling pagtakbo, hindi lamang niya maaabot ang mga inaasahan kundi malalampasan pa ng mas mahusay na serbisyo para sa Antique at sa lahat ng mga Antiqueño,” sabi ni Senator Legarda.

“Katuwang ang aking nakababatang kapatid na may tapat na malasakit sa bawat Antiqueño, patuloy tayong magdadala ng agaran at maunlad na pagbabago sa ating mga kasimanwa. Ang positibong pagbabago na ito ay makakamit lamang sa pamamagitan ng walang kondisyong dedikasyon na ibinuhos ng isang tapat na lider ng Antique–isang lider na ang pagsusumikap ay hindi lamang nakatuon sa paggawa ngmga batas kundi nakatuon sa mga inisyatiba para maibsan ang kahirapan, tugunan ang mga suliranin ng gutom, malnutrisyon, kakulangan sa edukasyon, kawalan ng trabaho, at maging ang pagkasira ng kapaligiran,” dagdag pa niya.

Sa kanyang mahabang serbisyo sa publiko, nanguna si Senator Legarda sa iba’t ibang proyekto na nagpaunlad sa buhay ng mga tao sa Antique. Kabilang dito ang pagtatayo ng bagong airport sa San Jose, convention center sa Badiang, San Jose, at mga tulay sa Paliwan at Nasuli. Ang mga proyekto para sa mga kalsada at eco-tourism tulad ng Pandan Eco-Tourism Road at Panay East-West Road ay nagbigay ng mas magandang koneksyon at nagpasigla sa turismo ng lalawigan.

Naglunsad din siya ng Food Terminal Projects sa Pandan, San Jose, at Sibalom, at nagbuo ng mga pampublikong plaza at iba pang pasilidad sa mga munisipalidad. Kabilang din sa kanyang mga proyekto ang pagsasaayos ng mga Gabaldon buildings at ang huling Balay nga Bato sa lalawigan, pagtatayo ng esplanade, paglikha ng Tesda training centers, at pagbibigay ng Starlink internet services sa lahat ng munisipalidad sa Antique. Nagpatayo rin siya ng siyam na ospital, mga barangay health stations, at mga silid-aralan na nagbigay ng kinakailangang serbisyo sa kalusugan at edukasyon para sa mga Antiqueño. Sinusuportahan din niya ang micro, small, at medium enterprises (MSMEs), scholarship programs para sa libu-libong kabataan, at cash-for-work programs na nakatulong sa maraming pamilya.

Bilang isang senador na naglingkod ng apat na termino sa Senado, inilatag niya ang pundasyon para sa pag-unlad ng Antique at binigyang diin ng Senador na sa ilalim ng pamumuno ni Congressman AA Legarda, masisiguro ng mga Antiqueño na ang kanilang lalawigan ay patuloy na aabante sa pag-unlad, katatagan, at pagpapanatili ng likas yaman.

“Sa pamumuno ni Cong. AA, ipagpapatuloy natin ang mga makabuluhang hakbang na nagawa na natin. Buong tiwala ako sa kanyang kakayahang mamuno nang may malasakit, integridad at pananagutan upang masiguro na ang pangangailangan ng ating mga kasimanwa ay natutugunan nang mahusay at epektibo. Sa aming mga kasimanwa, asahan niyo na padayun ang kampyon kag sinsero nga serbisyo deretso sa tawo,” pagtatapos ni Senator Legarda.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -