NAGHAIN na ng Certificate of Candidacy si Senator Lito Lapid kasama sina Tito Sotto 3rd at Ping Lacson sa Comelec.
Ayon sa post niya sa kanyang Facebook page, sinabi ni Sen Lapid na “Naghain na po tayo ng Certificate of Candidacy ngayong araw, kasama sina dating Senate president Tito Sotto 3rd at dating Senador Ping Lacson sa Comelec.
“Hangad po nating maipagpatuloy ang nasimulan kong mga programa at pagsusulong ng mga panukalang batas para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
“Isa na po sa ating inakdang mga batas ang Lapid Law o ang Republic Act No. 9999 na naglalayong mabigyan ng libreng abogado ang mga mahihirap na nahaharap sa iba’t-ibang kaso.
“Kasama ko rin sa COC filing ang aking bunsong anak na si Meynard Lapid.”