27.6 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Sec Pangandaman tumanggap ng Gawad Kapayapaan Award

- Advertisement -
- Advertisement -
PINARANGALAN kamakailan si Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman bilang “Gawad Kapayapaan Awardee” ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPARRU).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Secretary Mina na gaano man katagal o kahirap ang daan patungo sa kapayapaan, makakamit pa rin ito kung tayo ay magtutulungan nang may iisang adhikain na mas magandang bukas.
“At the end of the day, peace begins with us. It starts with what we are willing to give, what we are willing to sacrifice for the greater good,” ayon kay Sec. Mina.
Bilang isang Maranao, malaking bagay ang parangal para kay Sec. Mina na naniniwalang hindi lamang mababago ng kapayapaan ang buhay ng mga Pilipino, magbubukas din ito ng mga oportunidad at mas maraming trabaho.
Kabilang din sa mga pinarangalan sina Chief Negotiator for the Philippine Government Prof. Miriam Coronel-Ferrer, ang yumaong Ghazali Jaafar, at ang Munisipalidad ng Kauswagan sa Lanao Del Norte.
Pinangunahan ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagpaparangal na dinaluhan din ng mga ambassador mula sa iba’t ibang bansa.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -