ANG National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ay sinamahan ng City of Santo Tomas at ng Lalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng ika-159 Kaarawan ni General Miguel Malvar nitong September 27 2024 sa Malvar Shrine, Santo Tomas, Batangas.
Senate Majority Leader Francis Tolentino ang panauhing pandangal na sinamahan nina Santo Tomas City Mayor Arth Jhun Aguilar Marasigan, NHCP Executive Director Carminda Arevalo, Batangas Vice Governor Mark Leviste, Santo Tomas City Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga kinatawan ng pamilya Malvar.
Sabi ni Sen. Tolentino, “Ikinararangal ko pong makibahagi sa pagdiriwang ng ika-159 Anibersaryo ng Kapanganakan ng dakilang heneral at rebolusyunaryong si Heneral Miguel Malvar.
“Nawa ang bawat paggunita sa kaniyang kaarawan ay maging paggunita rin sa kanyang halimbawa ng makabayang pamumuno at dakilang pamumuhay. Dalangin ko rin po ang patuloy na pagsulong ng Sto. Tomas, Lalawigan ng Batangas, at ang patuloy nitong pag-usbong bilang isang maunlad, mapayapa, makabagong pamayanan.”