28.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Panguil Bay Bridge ilalapit ang Lanao del Norte sa Misamis Occidental

- Advertisement -
- Advertisement -
TAPOS na ang paghihintay ng mga taga-Lanao del Norte at Misamis Occidental ngayong binuksan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Panguil Bay Bridge. Mababawasan ng tulay, na may habang 3.169 km, ang oras ng biyahe mula dalawang oras sa pitong minuto para sa mahigit 10,000 na tao kada araw.
Sa inagurasyon, binigyang-diin ni PBBM na malaking tulong ito sa mga lokal na negosyante, lalo na sa mga nagtitinda ng sariwang produkto. Dagdag pa niya, magbibigay-daan ang tulay sa higit pang oportunidad at impraestrakturang magpapasigla sa lokal na ekonomiya at ugnayan ng mga komunidad.
Alamin kung paano itatawid ng Panguil Bay Bridge ang ating mga kababayan sa Mindanao sa higit na oportunidad, negosyo, at turismo:
Ulat at mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -